Sa Valentine's Day mismo ay tila inilantad na nina AJ Raval at Aljur Abrenica ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pag-flex sa isa't isa.

Ibinahagi ni AJ ang larawan nila ni Aljur habang nasa isang beach kung saan tila sumasayaw sila. Kahit na nakatalikod ang shot, hindi maitatatwang sila ang magkasama.

"I'll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally," caption ng Vivamax star.

Aj Raval, ibinalandra na si Aljur Abrenica; netizens, hinahanap 'anak' nila

Sa comment section, nag-iwan ng red heart emoji si Aljur.

Hindi naman nagpahuli si Aljur dahil ibinahagi niya naman sa social media ang litrato nila ni AJ katabi ang isang motorsiklo. Walang nakalagay na caption dito. Apat na red heart emojis naman ang inilapag na komento rito ng aktres.

Sinasabing 2021 pa magkarelasyon ang dalawa, nang pumutok ang balitang hiwalay na bilang mag-asawa sina Aljur at Kylie Padilla.

Nilinaw naman ni Kylie na hindi si AJ ang third party sa kanilang relasyon ni Aljur.