Kinaaliwan ng mga netizen ang memes patungkol sa dating Kapuso-turned Kapamilya actress na si Ryza Cenon na kasama sa pilot episode ng "FPJ's Batang Quiapo."

Naihambing kasi ang eksenang may hawak siya ng baril sa naging trending na eksena naman niya noon sa seryeng "Ika-6 na Utos" sa afternoon drama rama sa hapon ng GMA Network, kasama sina Sunshine Dizon at Gabby Concepcion.

Naging "laugh trip" ang naturang eksena dahil laruang water gun ang itinutok ni "Georgia" kay "Emma" habang nagkakaroon sila ng umaatikabong komprontasyon.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

https://twitter.com/deemaxxxxx/status/1625135898940567553

Sey ng mga netizen, mukhang nag-level up na si Georgia dahil hindi na water gun ang hawak niya ngayon. "Nakaluwag-luwag" na raw.

Anyway, mukhang umaariba sa social media at ratings ang pilot episode ng FPJ's Batang Quiapo sa muling pagbabalik ni Coco Martin sa Primetime Bida.

Puring-puri ang mga netizen kay Miles Ocampo at Precious Lara Quigaman dahil sa kanilang intensed acting, kahit na special participation lamang daw sila.