Nakaiinsultoat mapanganib ang panunutok ng military-grade laser light ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard habang nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal nitong Pebrero 6.

Sa panayam ng mga mamamahayag, nanawagan si AFP spokesperson Col. Medel Aguilarnitong Lunes, dapat nang kontrolin ng Chinese government ang kanilang tropa upang hindi na malagay sa panganib ang buhay ng mga sundalong Pinoy.

"Therefore, I think it is time for the Chinese government to restrain its forces so that it does not commit any provocative act that will endanger [the] lives of people,” sabi ni Aguilar.

Ito aniya ang unang insidente ng panunutok ng laser light sa barko ng PCG.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Sinabi rin na hindi dapat na lumala ang sitwasyon.

Sa kabila nito, nangako ang PCG na tuloy pa rin ang kanilang pagbabantay sa karagatan ng bansa upang hindi maangkin ng ibang bansa, katulad ng China.