Trending ang pilot episode ng pagbabalik-teleserye ng itinuturing na Primetime King ng ABS-CBN na si Coco Martin kagabi, Pebrero 13---ang "FPJ's Batang Quiapo" na muling pagsasabuhay sa klasikong pelikula ni Da King Fernando Poe, Jr.

Reaksiyon ng mga netizen, para bang nanonood sila ng pelikula dahil sa bonggang-bonggang mga pasabog at mabibigat na eksena. Halos pumalo sa mahigit 300k concurrent views ang mga nanonood sa Kapamilya Online Live.

Puring-puri ng mga netizen ang special appearances nina Miles Ocampo at Precious Lara Quigaman bilang younger version nina Cherry Pie Picache at Charo Santos Concio, lalo na ang una, na sana raw ay huwag nang pakawalan ng ABS-CBN. Sa kasalukuyan kasi ay napapanood ito bilang Dabarkads host sa noontime show na "Eat Bulaga" at sitcom ni John Lloyd Cruz na "Happy ToGether" na parehong umeere sa GMA Network.

Nasabik din ang mga tagahanga nina Ejay Falcon at Ryza Cenon sa muli nilang pagbabalik-telebisyon.

Pilot episode ng 'Batang Quiapo,' humataw; 'unli-bala' ni Coco, usap-usapan

Wish ng Kapamilya fans na sana raw, huwag nang pakawalan ng ABS-CBN si Miles at bigyan pa ito ng iba pang challenging roles dahil yakang-yaka na nito ang mabibigat na eksena.

Pinuri din ng mga netizen ang tatak-ABS-CBN at Star Magic training pagdating sa mga artista nila, lalo na sa batch ng "Goin' Bulilit" na sina Sharlene San Pedro, Alexa Ilacad, Jane Oineza, Julia Montes, at Kathryn Bernardo.

Narito ang ilan sa mga papuri at positibong feedback ng netizens para kay Miles Ocampo.

"Miles Ocampo, everyone. No wonder why Direk Coco said they applauded when editing Miles Ocampo's scene/s. She's indeed one of this generation's best actresses."

"Dasurv na dasurv ni Miles Ocampo at Lara Quigaman ang role sa backstory dahil ang gagaling naman talaga."

"Miles Ocampo - the first one (in her generation) who had done this scene. Oh actress Miles, you're finally getting the projects you deserve. Long overdue but, still, ito na. Nakakaiyak."

"Another TV gold moment was born. THE Miles Ocampo everyone."

"You deserve this spot! Ang galing Miles Ocampo! Binigyan ng Justice!"

"Ibigay natin ang pilot episode kay Miles Ocampo. Mahusay na aktres!"