Tatlong warrants of arrest sa kasong adultery at 16 warrants ng cyberlibel ang kinakaharap na kaso ng former actress-beauty Maggie Wilson, kaya ito ay nagtatago na umano ngayon o "fugitive," ayon sa mister nitong si business magnate Victor Consunji.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, nakatanggap umano sila ng email mula sa kampo ni Consunji tungkol dito.

“Up to this point, I have done my best to remain silent, resorting only to lawful remedies to answer unlawful acts maligned to tarnish our reputations and character," bahagi ng pahayag na ipinadala ng businessman.

“And while it is lamentable that Ms. Wilson has debased herself through her social media posts and stories, it has always been my stance that this abhorrent behavior is undeserving of my attention."

'Walang prenup?' Maggie Wilson, may panibagong pasabog laban kay Victor Consunji

Wala umanong tigil ang misis sa mga "maling impormasyon at akusasyong" ipinapakalat nito sa social media kaya nararapat na umano itong masampolan.

Aniya pa, sinubukan niyang makipag-ayos kay Maggie subalit dahil daw sa mga paninira nito, ipatutupad na niya ang pre-nuptial agreement nila.

Bagay na sinalag naman ni Maggie at sinabing wala silang prenup, ayon sa inilabas niyang resibo sa Instagram story. Dahil dito, nangangahulugang "conjugal" pa rin ang kanilang mga ari-arian.

Ang latest, inedit ni Maggie ang pangalan niya sa Instagram at ginawang "Maggie Wilson Consunji."

Screengrab mula sa IG ni Maggie Wilson