Umani ng iba't ibang reaksiyon sa netizen ang maling pagkakabigkas ni PTV news reader Dianne Medina sa salitang "sub-unit" habang nag-uulat ng balita tungkol sa isang K-Pop group na magdedebut sa Japan.

Sa halip kasi na "sub-unit" ay "subunit" ang kaniyang nabigkas, bagay na hindi nakaligtas sa mga netizen na "grammar nazi."

National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

https://twitter.com/bop4minyo/status/1624765964423430144

"Ang K-Pop girl group na Twice, magde-debut sa Japan bilang subunit. Ayon sa anunsyo ng Korean entertainment portal na Soompi, magde-debut sa Japan bilang kauna-unahang subunit ng girl group na Twice ang Japanese line na ito na kinabibilangan nina Mina, Sana, at Momo…" ani Medina.

Agad naman itong itinuwid ni Medina at inupload pa sa kaniyang Instagram. Naka-all caps pa ang salitang sub-unit.

"Rise and Shine Pilipinas PTV 4," aniya sa caption.

"Japanese line ng Kpop girl group na Twice, magde- debut sa Japan bilang SUB-UNIT!"

Ayon sa ulat, sa binasang balita ni Medina ay walang gitling o hyphen ang salita.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Natatawa ako sa mga nega. Si Dianne pa ba? Humble niyan sobra, para maapektuhan. Parang di naman tayo bago sa mga trending na nagkakamali, kaya pa in a wrong way wrong way pa kayo nalalaman jan."

"Sabi nasa prompter ang problema hahahahaha kasi kahit sino naman po if walang hyphen sa sub-unit ganun din po mababasa."

"Okay lang 'yan mam. At least nag trending. Lahat tayo nagkakamali. Dedma sa mga pawoke banal-banalan."

"Next time ayusin na lang ng writer kasi ang kawawa yung humaharap sa TV."