Usap-usapan ngayon ang mga litrato nina Kapuso heartthrobs David Licauco at Derrick Monasterio habang sila ay nasa isang beach, kung saan magkasama sila sa isang shoot para sa isang local clothing brand.

Makikita ang mga litrato ng dalawang hunk Kapuso actors sa Instagram account ni Derrick.

"Are we really working ? Swipe to see the last vid 😂 #BenchSummerShoot," ani Derrick sa kaniyang caption.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Dahil parehong topless, kitang-kita ang pa-abs at magandang katawan ng dalawa bagay na nagpatakam at lalong nagpainit sa araw ng mga netizen.

Hirit naman ng mga netizen at tagahanga nila, sana raw ay magkaroon ng "Boy Love" o BL Series ang dalawa, na patok na patok na panoorin ngayon.

Sa kasalukuyan ay sikat na sikat si David dahil sa pagganap bilang "Fidel" sa drama-fantasy series na "Maria Clara at Ibarra" kaya tinatawag siya ngayong "Pambansang Ginoo."