"Love is sweeter, the second time around."

Ang mga relasyon ay hindi laging madali, lalo na sa mundo ng show business kung saan ang parehong intriga at trabaho ay maaaring humadlang sa kanilang relasyon. Ngunit may mga ilang couple na nagpapatunay na sa sapat na pagsusumikap at pagmamahal, kahit na ang pinakamalalaking pagsubok ay laging malalampasan.

Narito ang ilang Filipino showbiz couples na naghiwalay pero nagkabalikan pa:

'McLisse' Elisse Joson at McCoy De Leon

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Larawan: Elisse Joson/Instagram

Unang nagkakilala sina Elisse at McCoy sa isang reality show na ‘Pinoy Big Brother’ bilang housemates sa Bahay ni Kuya noong 2016. Hindi man inamin nang diretsahan sa publiko ay halatang nagkakamabutihan na ang dalawa.

Taong 2018, dumaan ang couple sa matinding pagsubok na kanilang kinumpirma noong sa kanilang press conference ng pelikula na ‘Sakaling Maging Tayo’.

Tila hindi rin dito nagtatapos ang kanilang pagsubok nang mismong si McCoy na ang kumumpirma ng kanilang hiwalayan nitong Enero 2023 dahil sa di umano’y third party na agad namang na walang nangyaring ganoon sa kanilang hiwalayan

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/01/05/mismong-kay-mccoy-na-nanggaling-mclisse-hiwalay-na-walang-third-party/

Matapos ang ilang araw ng pag-amin ng kanilang hiwalayan ay naispatan ang dalawang namamasyal sa Tagaytay.

Kalaunan ay kinumpirma na rin ni McCoy na nagkabalikan at nagkaayos na sila ni Elisse dahil na rin sa kanilang anak na si Felize.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/02/05/mclisse-kumpirmadong-nagkabalikan-na/

‘Melason’ Melai Cantiveros at Jason Francisco

Larawan: Melai Cantiveros/Instagram

Noong 2016 ay nabuo rin ang pagmamahalan nina Melai at Jason nang pumasok sila Bahay ni Kuya bilang housemates. Paglabas sa ‘PBB’ ay nauwi agad sa kasalan ang dalawa noong Disyembre 2013, hindi nagtagal ay nagkaroon sila ng panganay na si Amelia Lucille.

Ngunit taong 2016 ay na-shookt ang netizens ng isapubliko ni Jason na hiwalay na sila ni Melai dahil sa ilang hindi pagkakaintindihan. Matapos ang ilang buwan, inanunsyo ni Melai na nagkaayos na silang dalawa. At matapos niyon ay nagkaroon sila ng pangalawang anak na si Stela Rosalid.

‘DenJen’ Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

Larawan: Jennylyn Mercado/Instagram (credited to BJ Pascual)

"TOTGA no more."

Si Dennis ay 26-years-old noon at si Jennylyn naman 18-years-old nang magkabutihan ang dalawa.

Pagkatapos ng experimental pairing sa dalawa ng GMA Network sa seryeng, “Now And Forever” na tumagal lamang ng halos isang buwan, opisyal na unang nagsimulang magkatrabaho ang dalawa sa drama remake na 'Gumapang Ka Sa Lusak.' Dito inamin ng couple na ay sila nagka-developan na.

Matapos ang halos dalawang taong pagsasama, naghiwalay sina Jen at Dennis dahil sa ilang mga problemang kinakaharap sa kanilang relasyon.

Bago sila magkabalikan, sa apat na taon na sila ay magkahiwalay, pareho silang nagbabalik-tanaw sa kanilang relasyon at itinuring ang isa't isa bilang, 'The One That Got Away'.

Nagkabalikan ang dalawa ngunit sila ay nanatiling low-key tungkol sa kanilang relasyon. Hanggang taong 2021, opisyal na silang nagpakasal at inanunsiyo ang pagbubuntis ni Jennylyn.Hindi nagtagal ay ipinakilala nila sa publiko ang cute na cute na si Baby Dylan.

BASAHIN: Cute na cute na si Baby Dylan nina Kapuso couple Jen at Dennis, naghatid ng gigil ngayong Pasko – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Jomari Yllana at Abby Viduya

Larawan: Jomari Yllana/Instagram

“First love never dies”

Si Jomari at Abby ay unang naging magkasintahan noong sila ay 15-years-old pa lamang. Dahil dito, naging panandalian lang ang kanilang pag-iibigan dahil wala pang isang taon, naghiwalay din ang dalawa.

Ngayong parehong 45-years-old, hindi inakala nina Jomari at Abby na muli silang magkakaugnay at muling magmamahalan sa pangalawang pagkakataon dahil social media, muli silang nag-usap at naging couple makalipas ang mahigit dalawang dekada.

Maja Salvador at Rambo Nuñez

Larawan: Rambo Nuñez/Instagram

"If you're meant to be, you're meant to be even if it takes 10 years."

Sina Maja at Rambo ay nagbigay ng pangalawang pagkakataon sa kanilang relasyon matapos maghiwalay noong 2010.

Kuwento ni Maja sa isang vlog, walang naganap na third party sa hiwalayan nila. Mas pinili lang umano ng aktres ang kaniyang career.

Nagsama sila noong 2018, at noong 2022, nagpakasal sila pagkatapos ng mahabang paghihintay.

Inanunsyo niya ang magandang balita sa pamamagitan ng Instagram sa kaniyang mga tagahanga at tagasunod tungkol sa new chapter ng kanilang buhay.

Vin Abrenica at Sophie Albert

Larawan: Sophie Albert/Instagram (credited to Nice Print Photography)

“My lover and best friend for life”

Noong 2012 unang nagkakilala ang dalawa sa TV5 talent search na Artista Academy. Si Vin ay 29-years-old habang si Sophie naman ay 30 at opisyal na naging couple noong 2013.

Magmula noon, sinimulan nila ang kanilang mga pangarap nang magkasama, may kinalaman man ito sa kanilang karera o sa kanilang personal na buhay.

Nagsama pa sila sa pelikulang ‘Moonlight Over Baler’ noong 2016 nang sinabi nilang tapos na ang kanilang relasyon.

Pareho umano nilang napagdesisyunang mas makabubuti iyon para matutukan nila ang kanilang showbiz career.

Ngunit makalipas ang isang taon at limang buwan, nagpahiwatig sina Vin at Sophie tungkol sa kanilang pagbabalikan nang isapubliko nila ang kanilang vacation photos sa Bali, Indonesia.

At nitong Enero 25 nga ay nag-isang dibdib ang couple matapos ang dalawang taong engagement noong 2021 tatlong buwan nang ipinanganak ni Sophie ang panganay nila na si Avianna.

BASAHIN: Sophie Albert at Vin Abrenica, ikinasal na! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid