Maagang ipinagdiwang nina Khalil Ramos at Gabbi Garcia ang Araw ng mga Puso dahil kinakailangan nang lumipad pa ibang bansa ni Gabbi para sa bago nitong proyekto.

Ngunit kahit na magkakalayo ay hindi naman ito naging hadlang upang ipakita nila ang sweetness sa isa't isa.

Sa bagong Instagram post ni Khalil, isang nakakakilig na mensahe ang binitawan nito para sa kaniyang nobyang lilipad pa Switzerland.

“My darling is leaving tonight for Switzerland to work on a big project," ani Khalil, kalakip ang litrato ni Gabbi na may bulaklak.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

““I’m nervous, babe.” is what she told me just seconds ago as she stood up to get ready while I type this caption.”

Upang mawala ang kaba ni Gabbi ay isang nakakakilig na mensahe naman ang binigay ni Khalil.

"My love, I’m incredibly proud of you. I’m grateful to be by your side, watching you shine and grow every day. You got this bebu!!! Kill it," ani Khalil.

"You’re the best, thank you my love," kinikilig na tugon ni Gabbi.