“You accomplished your mission, thank you for your heroic work.”

Binigyang-pugay ng Mexico nitong Lunes, Pebrero 13, ang military rescue dog na nasawi sa Turkey habang naghahanap ng survivors na nabaon sa ilalim ng mga gumuhong gusali bunsod ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig noong Pebrero 6 sa Turkey at Syria.

Sa ulat ng Agence France Presse, inanunsyo ni Defense Minister Luis Cresencio Sandoval ang pagpanaw ng German shepherd rescue dog na pinangalanan nilang “Proteo”.

“You accomplished your mission… thank you for your heroic work,” pahayag ng Mexican Army.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Isa raw si Proteo sa labindalawang rescue dogs na ipinadala ng Mexico kasama ang kanilang 130 military personnel para tumulong na magligtas ng mga naapektuhan ng nasabing lindol.