Matapos ang ilang buwang pananahimik sa kontrobersyal na tsismis, reyna ng Vivamax at aktres na si AJ Raval proud na iflinex ang larawan nilang dalawa ni Aljur Abrenica sa kaniyang Instagram account.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kalakip sa uploaded photo, mayroon din itong sweet na mensahe para kay Aljur.

Aniya, “I’ll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally."

Matatandaang pinutakte ng mga basher ang dalawa dahil sa patuloy na pag-deny nito sa kanilang tunay na relasyon sa publiko. Ilang netizens din ang galit sa aktres na si AJ, dahil siya umano ang dahilan ng hiwalayan ni Aljur at ni Kylie Padilla.

Tanong ng mga netizens, totoo rin kaya ang tsismis na si Aj Raval at Aljur Abrenica ay may anak na?

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/11/28/aj-raval-palihim-na-nanganak-na-raw-ispluk-ng-source-ni-ogie-diaz/

"Todo deny hahahaha na hindi buntis."

"Anak kaya ni Aljur yung chikang nanganak siya?"

"Grand launch yarn?"

"Kailan raw i-rereveal yung anak nila?"

"Time is the truth teller."

"Baby reveal naman."

"Cool, kaya nang ma-flex, sana yung baby niyo rin."