May banat ang 65-anyos na Pinay mom sa US at online personality na si Mama Lulu sa unsolicited comment ukol sa kaniyang pagkain, at katawan.

“Ma, ano masasabi mo sa mga taong nagko-comment na hinay-hinay daw ‘yung pagkain; napakataba mo at baka mamatay ka na?” tanong ng kaniyang anak sa isang Facebook video nitong Linggo, Peb. 12.

Sagot lang ni Mama Lulu: “Matagal nang isyu ‘yan, 20 years old pa ako, 65 [years-old] na ako ngayon.”

Human-Interest

Beking nakabuntis ng tibo, 'di apektado sa hanash ng ibang tao: 'Close ba tayo?'

Sunod na biro pa niya ang pag-idlip sa video dahil aniya sa kinain lang na chicharon.

Si Mama Lulu ng kilalang content creator na “Otakoyakisoba” ay patok online dahil sa maiikling reel at relatable content ng kanilang pamilya.

“Wag kayo masiyado judgy sa mga mataba. Kung wala taba meron bang pata? I think NOT!😠There’s so many problems in the world. Wag kayo pakialamera. Nagbabayad kami ng tax para makakain ng taba peacefully,😂” mababasa pa sa hirit ng online star ukol sa paksa.

Ilang online followers naman ang to the rescue at agad na nagpadala ng virtual love kay Mama Lulu.

“I'm so sorry Mama Lulu that you've had to hear it from some ungrateful earthlings. Let it not affect you, your fans outnumber them in multiple threefolds. Love you po, from Mindanao!💗” komento ng isang fan.

“She is Too funny😂😂😂Wag mo sila intindihin mama lulu we love you❤️

“Food is life yong matataba pag nawalan ng foods papayat yong mga payat mamatay. Better n mataba kya payat..😁😁😁

“That’s true mama lulu eat what you want hbang buhay kpa kc pg nmatay kna d mo na mkakain ung gusto mo!”

“I absolutely LOVE you guys soooooo much!!! I’ve cried EVERY SINGLE TIME I watch my Cameo from y’all it was truly from the heart and it was soooo very nice to hear/see that what I was feeling was normal and I just needed to pick myself up and get over it🥰🥰🥰🥰y’all are ANGELS ON EARTH!!!!”

“I love you guys. Feeling ko wala akong sakit everytime na bumabanat si mama lulu ng joke. Thanks for making us smile...”

“Don't mind them mama lulu 'hindi naman sila ang nabubusog!”

Umabot na sa mahigit 6,200 reactions at mahigit 57,000 views ang naturang video sa pag-uulat, sa Facebook pa lang.