Patuloy na naghahatid ng good vibes online ang laugh trip at viral na pagtupad ni Moira Dela Torre sa isang request ng fan na magbitbit siya ng patok na danggit sa kaniya mismong concert sa Qatar kamakailan.

Ilang video na nahagip ang nakakaaliw na tagpo ang instant patok ngayon sa social media kung saan bago ang huling repertoire ng singer, ay tinawag nga ang salaring netizen sa concert stage.

Basahin: ‘Bayaran ko dito’: Netizen na manunuod ng concert ni Moira sa Qatar, nag-request ng danggit sa singer – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang isang Facebook page ang nag-request sa singer ilang linggo bago ang nasabing concert kung saan napa-“hanep” na lang ang singer.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sa makulit na interaksyon sa wakas ng dalawa sa concert stage noon ngang Pebrero 10 sa Asian Town, Amphitheatre, personal na inabot ni Moira ang danggit.

Basahin: ‘Dala ko na ‘yung danggit’: Moira, pabirong sinagot ang isang fan na manunuod ng kaniyang concert sa Qatar – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Dito napag-alamang ang chef na si Christian Baysa, 38-anyos, ang nasa likod ng viral request.

Pagbabahagi pa niya, tatlong taon na raw siyang hindi nakauuwi ng Pilipinas dahil sa Covid-19 pandemic, bagaman nasa isang dekada nang nagtatrabaho sa banyagang bansa.

Nang matanong ni Moira kung wala bang nami-miss si Christian sa Pinas, lalo pang tawanan ang narinig sa concert venue.

“Ito,” pilyo at natawang sagot ni Christian pagtukoy sa hawak nang danggit na bigay ng singer.

Sunod pang nagpalitan ng puri ang dalawa na anila’y maganda at gwapo sa personal.

Lalo pang halakhak ang hatid ng instant duo nang makita ni Christian mula sa stage ang isang Pinay na may salarin pala kung bakit siya nagpasabuy sa singer.

Pagturo ni Christian sa isang “babaeng nakapula” sa audience: “Nagpabili ako sa kaniya niyan ng danggit, tapos seen lang [ako].”

“Sineen mode ako niyan. Umuwi ‘yan ng Pinas eh,” pagpapatuloy ni Christian.

“Ate, bakit niyo siya sineen zone, nautusan pa tuloy ako. Kakanta lang dapat ako, nagpasabuy!” gatong at banter ni Moira.

“Dapat ‘di ka nagsi-seen zone, nautusan akong bumili ng danggit,” lalo pang ikinatawa ng mga Pinoy sa concert

Sa huli, nagpasalamat si Christian kay Moira at naka-score pa ng selfie sa singer.

Ang nasabing concert at bahagi ng world tour ni Moira ngayong taon.