Tila kuwento sa isang soap opera ang ibinahagi ni Xyra Redulla sa kaniyang TikTok account dahil matapos ang 22 taon ay muli niyang nakatagpo ang kaniyang ama sa isang simbahan, ngunit sa pagkakataong ito ay muli na naman siyang 'di kinilala.

Human-Interest

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens

"Nagkita kami ni papa sa simbahan after 22 years pagkatapos mag 'peace be with you,'" pagbabahagi ni ni Redulla.

Aniya, tatlong taong gulang pa lamang siya nang iniwan ang kanilang pamilya ng kaniyang ama kung kaya ay alam niyang hindi na siya makikilala nito.

"Ayoko maging emotional pero bigla na lang tumulo luha ko. Hindi ko kasi inexpect sa loob kami ng simbahan unang magkikita," dagdag pa ng netizen.

Hinabol pa ni Redulla ang umano'y kaniyang ama upang kumpirmahin dahil malakas ang kaniyang kutob na ito nga ang kaniyang tatay dahil kamukha ng kaniyang kuya.

"Gusto ko siya pigilan kaya binanggit ko buong pangalan ni papa pero dali-dali na siyang lumabas. Naiyak na lang ako nang sobra bakit ayaw niya ako kausapin?" emosyonal na sambit ni Redulla.

Dagdag pa nito, hindi na niya nagawang ikuwento sa kaniyang pamilya ang engkuwentro niya sa kaniyang ama dahil malaki ang galit ng mga ito sa kaniyang tatay.

At kinumpirma rin ng kaniyang pinsan na tatay nga ni Redulla ang nakita niya sa simbahan.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!