Naging kapana-panabik ang finale ng idol survival show ng ABS-CBN na “Dream Maker,” Linggo ng gabi, Pebrero 12, sa Caloocan Sports Complex, kung saan napili na ang pitong “dream chasers” na ilulunsad sa South Korea upang maging bahagi ng bagong global pop group.

Eleksyon

Abalos, nanawagan ng sapat na pondo para sa kaguruang magbabantay sa eleksyon

Nagpasiklab ang Top 16 finalists na nahati sa dalawang grupo para sa kanilang final mission kung saan binigyang buhay nila ang mga awiting “Deja Vu” na likha ng Korean mentor na si Seo Won-jin at “Dash” ni BULL$EYE.

Tanging boto mula sa taumbayan lamang ang naging basehan upang hirangin ang pitong nagsipag-wagi na sina Jeromy Batac na siyang muling nakabalik sa unang pwesto na may 3,188,238 votes. Mapanatili naman nila Marcus Cabais at Kyler Chua ang kanilang ikalawa at ikatlong pwesto na pawang may 2,824,716 at 2,697,520 votes.

Bagama’t bumaba ang ranking, pasok pa rin at magde-debut rin sa Korea sina Vinci Malizon sa ika-apat na pwesto at Reyston Yton sa ika-limang pwesto na nakakuha naman ng 2,447,877 at 2,285,407 votes.

Sa unang pagkakataon naman, nakaupo sa golden throne si Kim Huat Ng at nakuha ang ika-anim na pwesto at may kabuuang boto na 2,240,510, habang si Winston Pineda naman ang kumumpleto sa grupo at nakuha ang huling pwesto sa Top 7 na may 2,049,832 votes.

Narito naman ang rankings ng mga hindi pinalad sa kompetisyon:

#8 Drei Amahan - 1,278,865 votes

#9 Prince Encelan - 1,268,293 votes

#10 Wilson Budoy - 1,169,948 votes

#11 Thad Sune - 995,396votes

#12 Jay-R Albino - 868,537 votes

#13 Matt Cruz - 809,523 votes

#14 Macky Tuason - 621,197 votes

#15 Jom Aceron - 580,965 votes

#16 Josh Labing-isa - 490,059 votes

Samantala, dinomina ng “Dream Maker” ang online world nang mag-trend ang mga tagpo sa finale nito kasama na ang pangalan ng bagong global group na siyang tatawaging “HORI7ON.”

Screenshot: Twitter

Ang nasabing idol survival show ay ang kauna-unahang collaboration ng ABS-CBN sa MLD Entertainment at Kamp Korea na layuning makahanap ng mga bagong talento na ipakikilala sa global stage.