Naglabas ng ebidensya ang model-TV host na si Maggie Wilson na wala silang pre-nuptial agreement nang ikinasal sila ng asawang si business magnate Victor Consunji, taliwas sa mga pahayag nito.

“I have resolved to enforce the existing prenuptial agreement, strictly and without further consideration,” batay sa naunang pahayag ng negosyante.

“Up to this point, I have done my best to remain silent, resorting only to lawful remedies to answer unlawful acts maligned to tarnish our reputations and character,” pahayag pa nito.

Nahaharap umano sa tatlong kaso ng adultery, 16 kaso ng cyber-libel, at patong-patong na civil cases ang dating karelasyon. Para kay Victor, isang "fugitive" si Maggie na nasa ibang bansa ngayon at pinangangasiwaan ang mga negosyo niya. Aktibo kasi sa social media si Maggie.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa Instagram story na inilabas ni Maggie, makikitang wala umano silang pre-nuptial agreement ni Victor. Ang dokumento ay nagmula sa Office of the Local Civil Registrar sa Bacacay, Province of Albay.

Sey ni Maggie, "Is this why you want me to send me to prison?"

Screengrab mula sa IG ni Maggie Wilson

Nangangahulugan itong conjugal pa rin ang kanilang mga ari-arian dahil hindi pa rin napapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Sa panibagong Instagram post ni Maggie ay tila may panibago siyang cryptic IG post.

"Someone once told me that if you didn’t like something, erase it."

"Well, I’m permanent and you can’t erase me."

Nag-isang dibdib sina Victor at Maggie noong Disyembre 18, 2010 sa Albay.

Noong 2021 naman, pumutok ang balitang hiwalay na sila matapos ang 11 taong pagsasama bilang mag-asawa. Sila ay may isang anak na si Connor na mag-11 taong gulang na.

Samantala, wala pang tugon o pahayag si Victor patungkol dito.