Ikinaloka ng mga "marites' ang mga pasabog na usapan sa latest episode ng "Showbiz Now Na" nina Cristy Fermin at co-hosts niyang sina Romel Chika at Wendell Alvarez, ay ang umano'y pagiging matalas na rin ang dila ng "It's Showtime" host at partner ni Vice Ganda na si Ion Perez.

Napapunta kina Vice Ganda at Ion ang usapan matapos maungkat ng tatlo ang pinag-usapang isyu sa pagitan ng komedyante at co-host na si Karylle.

Nabanggit na talaga raw mabait at approachable si Karylle lalo na sa audience ng noontime show.

Sey ni Cristy, may nakarating sa kaniyang balita na talagang "insecure" umano ang komedyante sa kahit na sinong celebrity, na kahit hindi niya "co-equal" o kalinya sa pagpapatawa.

'Nakuha kay Vice Ganda?' Ion Perez, matalas na rin daw ang dila, sey ni Cristy Fermin

Kung tutuusin nga raw ay bibihira nilang mapag-usapan ang dalawa sa kanilang vlog subalit marami pa raw nasasabi ang komedyante patungkol sa kanila.

Si Ion daw ay tila matalas na rin ang dila at nahawa na umano kay Vice.

"Si Ion na kung ituring ng ating mga kababayan ay ibong nakatuntong sa ibabaw ng kalabaw, pero ngayon ay umaakto na ring kalabaw," bira pa ni Cristy.

"Matalas ang dila ng Ion. Napakatalas ng dila. Matapos niyang sabihin na may nagtanong daw sa kaniya, 'Bakit ka pumatol kay Vice? Bakit sa beki?' Anong sagot niya, 'Alangan namang pakainin ko pamilya ko ng buhangin…' so aminado siya na comfort, future ang kaniyang ano… 'di ba… matalas ang dila ng Ion, parang sumasabay na kay Vice," dagdag pa.

Sundot pa ni Romel Chika, sana raw siya ang nagkokontrol o pumepreno kay Vice subalit nakikipagsabayan pa umano ito sa kaniya.

Nagtataka pa rin si Cristy kung bakit masyado umanong sensitibo si Vice pagdating sa bashers gayong galing umano ito sa comedy bar, sanay sa bardahan, at kung tutuusin daw ay nasa kaniya na ang lahat.

Sa vlog ding ito naungkat ang "tsismis" tungkol sa amoy raw ng komedyante na inilahad ni Wendell, at tinapos naman ni Cristy.

“Napakalapit sa kaniya na nagkuwento sa akin, tutal din lang tinatawag mo kaming tatlo na mga tsismosong chaka ‘di ba? Okay, hindi ka namin papatulan pero may kukuwento kami. Hindi mo kami mapipigil. Mga taong malapit sa’yo ang nagsasabi na ang hininga mo raw ay amoy-imburnal,” saad ni Cristy.

Bigla nitong tinanong si Romel Chika, "Ikaw nakasama ka niya. Totoo o hindi?"

"Eh may bubble gum siya eh," sagot ni Romel sabay nagtawanan ang tatlo.

“Ang sabi niya, ‘Ang lakas-lakas ng loob niya na mamintas. Diyos ko! Kung alam n’yo lang, ang tindi ng amoy ng hininga niyan. Parang bulok na daga’,” dagdag pa ng showbiz columnist.

Sundot naman ni Wendell, noong nasa comedy bar pa raw ang komedyante ay nagiging biro na raw ito. "Wala ba kayong naaamoy?" kapag dumarating na raw ang komedyante.

“Huwag kang mamimintas ng kapwa mo kung may maibabalik din sa iyong resibo," hirit pa ng host.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Ion at Vice tungkol dito. Bukas ang Balita sa panig ng dalawa.