Wala pa ring suwerteng mananaya ng jackpot prize para sa Ultra Lotto 6/58 na nagkakahalaga ng P50,435,990 sa naging evening draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Linggo, Peb. 12.

Ang mga masuwerteng numero ay 48 – 12 – 35 – 37 – 33 – 22.

Gayunpaman, tatlong bettors ang nanalo ng pangalawang premyo na nagkakahalaga ng P120,000, at 346 na manlalaro ang nakakuha ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P2,000.

Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo sa ganap na 9 p.m.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Ang jackpot para sa Super Lotto 6/49 na nagkakahalaga ng P46,743,465.20 ay hindi rin natamaan sa parehong draw ayon sa advisory ng PCSO.

Ang mga tamang digit ay 24 – 41 – 49 – 32 – 30 – 12.

Apat na taya ang nanalo sa ikalawang gantimpala na nagkakahalaga ng P50,000 at 841 na manlalaro ang nakakuha ng ikatlong gantimpala na nagkakahalaga ng P1,200.

Ang Super Lotto ay ibinubunot tuwing Martes, Huwebes, at Linggo sa ganap na 9 p.m.

Luisa Kabato