Matapos mapag-usapan ang "naughty caption" ng social media personality na si Lai Austria sa kaniyang Facebook post kalakip ang litrato nila ni "Family Feud" host at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, muling binalikan ng mga netizen ang naging sagot ng misis ni Dong na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa "Fast Talk with Boy Abunda."

'Di na raw makukulong sa banyo!' Lai Austria, 'inayos' caption sa post kasama si Dingdong

Patungkol ito sa "fast talk" ni Boy Abunda kung saan natanong si Marian kung anong gagawin niya kapag may umaaligid-aligid na merlat sa mister.

"Deadma, sa ngayon!" sey ni Marian.

"Away na aatrasan mo?" sunod na sundot na tanong ng King of Talk.

"Wala!" palabang tugon ni Marian.

Bagama't binago na ni Lai ang kaniyang caption matapos sitahin ng netizens, muli siyang nag-post nang "pang-asar" sa kaniyang bashers kung saan makikitang pumapapak siya ng isang mixed nuts na kapangalan ni Ding Dong.

Mapanukso ang kaniyang posing dahil nakadapa siya sa kama, kita ang kaniyang wetpaks at may pasilip nang bahagya sa guhit ng kaniyang "hiyas."

"Ang sarap mo," saad niya sa caption.

Anyway, wala namang kuda si Marian tungkol sa isyu, subalit palagay ng mga netizen, ang simpleng pagpo-post ng Primetime Queen sa sweet photos nila ni Dong sa Instagram ay simple at subtle way na okay sila ng mister at "sa kaniya lang" ito.