“Gone, but never forgotten.”

Pumanaw na ang manunulat, nobelista, liberal activist, at political critic na si Lualhati Bautista sa edad na 77 kaninang umaga, ayon sa malapit niyang kamag-anak nitong Linggo, Pebrero 12.

Kinumpirma ang malungkot na balita ng first cousins ni Bautista na sina Sonny Ross Samonte at Maria Rosario sa kanilang Facebook post.

“Sad News for our Torres Clan, Our first cousin Lualhati Bautista died at 77 yrs old this morning,” ani Samonte.

“May the Lord grant you eternal peace. Lualhati or Ne as we used to call you. Everyone will know your name and shall recall your story,” saad naman ni Rosario sa kaniyang post.

Itinuring si Bautista na isa sa mga pinakamahusay at popular na manunulat ng bansa. Ilan sa mga tumatak na akdang naisulat niya ay ang mga nobelang tulad ng ‘Dekada '70;’ ‘Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa?;’ at‘ 'GAPÔ.’