Isa sa mga napag-usapan sa "Showbiz Now Na" ni Cristy Fermin at co-hosts niyang sina Romel Chika at Wendell Alvarez, ay ang umano'y pagiging matalas na rin ang dila ng "It's Showtime" host at partner ni Vice Ganda na si Ion Perez.

Napapunta kina Vice Ganda at Ion ang usapan matapos maungkat ng tatlo ang pinag-usapang isyu sa pagitan ng komedyante at co-host na si Karylle.

Nabanggit na talaga raw mabait at approachable si Karylle lalo na sa audience ng noontime show.

Sey ni Cristy, may nakarating sa kaniyang balita na talagang "insecure" umano ang komedyante sa kahit na sinong celebrity, na kahit hindi niya "co-equal" o kalinya sa pagpapatawa.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Kung tutuusin nga raw ay bibihira nilang mapag-usapan ang dalawa sa kanilang vlog subalit marami pa raw nasasabi ang komedyante patungkol sa kanila.

Si Ion daw ay tila matalas na rin ang dila at nahawa na umano kay Vice.

"Si Ion na kung ituring ng ating mga kababayan ay ibong nakatuntong sa ibabaw ng kalabaw, pero ngayon ay umaakto na ring kalabaw," bira pa ni Cristy.

"Matalas ang dila ng Ion. Napakatalas ng dila. Matapos niyang sabihin na may nagtanong daw sa kaniya, 'Bakit ka pumatol kay Vice? Bakit sa beki?' Anong sagot niya, 'Alangan namang pakainin ko pamilya ko ng buhangin…' so aminado siya na comfort, future ang kaniyang ano… 'di ba… matalas ang dila ng Ion, parang sumasabay na kay Vice," dagdag pa.

Sundot pa ni Romel Chika, sana raw siya ang nagkokontrol o pumepreno kay Vice subalit nakikipagsabayan pa umano ito sa kaniya.

Nagtataka pa rin si Cristy kung bakit masyado umanong sensitibo si Vice pagdating sa bashers gayong galing umano ito sa comedy bar, sanay sa bardahan, at kung tutuusin daw ay nasa kaniya na ang lahat.

Sa vlog ding ito naungkat ang "tsismis" tungkol sa amoy raw ng komedyante na inilahad ni Wendell.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Ion at Vice tungkol dito.