Inaasahang magpapatupad ng malakihang bawas-presyo sa produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis sa bansa sa Martes.

Sa abiso ng mga oil company, mula ₱2.30 hanggang ₱2.60 ang ibabawas sa kada litro ng kerosene habang tatapyasan naman ng mula ₱2.20 hanggang ₱2.50 ang presyo ngn bawat litro ng diesel.

Posible namang itaas ng ₱0.30 ang presyo ng bawat kada litro ng gasolina.

Ito na ang ikalawang sunod na linggong magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa matapos ang ilang linggong pagtaas ng presyo ng produkto.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Idinahilan ang paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa world market na dulot ng pandaidigang resesyon.