Ikinatuwa ng netizens ang kakaibang “promo” ng isang restaurant sa Dubai kung saan puwedeng ipalit ang “break-up message o litrato ng iyong ex” sa kanilang malaki at masarap na burger. Ito umano ang naisip nilang paraan upang makalimutan mo ang iyong ex ngayong darating na Valentine’s Day.

Sa post na ibinahagi ng Hotel and Catering News Middle East, ipinaliwanag nila kung ano ang dapat ipakita ng “guest o customer” na pruweba na sila ay hiwalay na sa kanilang ex. At kung matibay ang ebidensyang ipinakita, ang customer ay puwedeng pumili sa iba't ibang flavors ng burger.

Para naman makuha ang premyo, kailangan lamang ng customers na magpakita ng patunay ng “break-up moments,” tulad ng nilukot na larawan ng iyong ex, gamit na galing sa iyong ex, o o isang “break-up na mensahe.” Ang kakaibang pakulong ito ay ideya ng multi-award winning indie burger joint na SLAW.

Ayon sa founder ng SLAW na si Chef Ali Yazdi, pangungunahan niyang sirain ang mga pruwebang ipinalit ng customers gamit ang kaniyang iconic burger knife.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“We understand how difficult Valentine’s Day can be for those with a broken heart. But we hope that this promotion will bring closure to our guests, and even if it doesn’t, they can at least enjoy a delicious burger with other single people,” paliwanag ng nasabing founder.

Ang promong nabanggit ay para lang sa unang 50 customers sa bawat branch ng SLAW (Hessa Street at Jumeirah). Ang promo ay magsisimula 11am hanggang 5pm sa Martes, Pebrero 14.