Marami ang natuwa sa mag-asawang model ng isang fashion brand dahil bukod sa napakaganda ng kanilang awra sa harap ng camera, kapansin-pansin din ang sweetness at chemistry nila na pinagtibay na ng mahabang panahong pagsasama.

Ayon sa post ng fashion brand na Straightforward, ang mag-asawang model na sina Bridge at Ricky ay “college sweetheart” o magkasintahan na mula pa noong nag-aaral sila ng kolehiyo.

Ngayon ay 40 years o tumataginting na apat na dekada na raw silang kasal.

“Let’s meet Bridge & Ricky – college sweethearts turned 40 years of marriage (and counting)!” caption ng post ng Straightforward.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Nang tanungin daw ang mag-asawa kung paano nila ipagdiriwang ang araw ng mga puso, ang sagot nila: “With our furbabies, for sure!”

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!