Pinalagan ng aktres na si Jessy Mendiola ang iba't ibang netizens at vloggers na ginagawang content ang anak nila ni Kapamilya host Luis Manzano na si "Baby Peanut."

Pinapalabas kasi sa ilang vlogs na kaya ayaw ipakita nina Luis at Jessy ang mukha ni Baby Peanut noong isinilang ito, ay dahil may cleft palate umano ang bata.

Bagay na hindi naman totoo dahil sa unang buwan ni Baby Peanut ay ipinakita na ng mag-asawa sa publiko ang mukha ng anak.

'Face reveal!' Baby Peanut, ipinakita na sa publiko nina Luis, Jessy

Kaya naman nanawagan sa publiko si Jessy upang matunton ang mga taong nagpapakalat ng fake news at masampolan.

"Please help us take down these videos by clicking the links and report as harrassment or child abuse."

"It is NEVER okay to spread FAKE news. It is NEVER ok to spread negativity about having cleft palate/lip. Respetuhin sana natin yung totoong may ganito. Maraming salamat po."

Hindi na rin ikinatutuwa ni Jessy ang mga mapang-okray at nagtatawang tao tungkol sa mga may cleft palate. Naniniwala si Jessy na ito ay "evil."

"Sa lahat po ng nag-react ng 'funny' emoji. I hope you know that if you find this funny then you are EVIL," giit pa ni Jessy.

Screengrab mula sa FB ni Jessy Mendiola