Masayang ibinahagi ni Kapuso star Bea Alonzo ang paggunita niya sa ika-22 taong anibersaryo niya sa showbiz, sa pamamagitan ng kaniyang Instagram story.

"Today, I celebrate my 22 years in showbiz. Grabe," saad ni Bea sa text caption ng ibinahagi niyang litrato ng cake.

Screengrab mula sa IG ni Bea Alonzo

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Nagpasalamat si Bea sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa kaniya mula noon hanggang ngayon.

"Salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa akin. Mahal ko kayo," aniya.

Screengrab mula sa IG ni Bea Alonzo

Marami naman sa mga netizen ang sinariwa at binalikan ang kaniyang pagsisimula sa showbiz noong siya ay nasa bakuran pa ng ABS-CBN kung saan, naging markado kaagad ang kaniyang kinabilangang serye, ang "Kay Tagal Kang Hinintay."

Sa seryeng ito nabuo ang tambalan nila ni John Lloyd Cruz.

"I remember one of her earliest major works playing a role as a law student tapos 14 years old pa lang talaga siya in real life. Doon accidentally nadiscover ang loveteam nila ni John Lloyd. Ganon ka-mature ang itsura niya even as a young teen."

"14 pa lang si Bea when she was cast in Kay Tagal Kang Hinintay as Katrina Argos. She started in Star Magic even earlier. She's only 35 years old."

"Grabe, ang tagal na rin pala niya pero naaalala ko pa rin ang mga movies niya."

Ilan sa mga markadong pelikula ni Bea ay ang "One More Chance," "A Second Chance," "The Mistress," "Kasal," at marami pang iba.

Sa ngayon ay nasa bakuran na siya GMA Network matapos lumipat noong 2021.