Ipinagtanggol ng journalist at host ng public service program na "Bitag" na si Ben Tulfo si Wowowin host Willie Revillame matapos itong makatanggap ng kritisismo dahil sa "panunumbat" umano sa ilang showbiz personalities na namuna naman sa kaniya kaugnay ng isyu ng pansamantalang pagsibak sa ilang programa ng ALLTV.

Bagama't walang pinangalanan, nauna nang pumalag dito ang nanay-nanayan niyang si showbiz columnist Cristy Fermin. Ang ibang tinutukoy umano ni Willie ay sina Ogie Diaz at Gab Valenciano, ayon na rin sa hula ng mga netizen.

Mukhang nagkapatawaran na ang dalawa matapos ang public apology ni Willie sa kaniyang programa, matapos naman siyang banatan ni Cristy sa programa nitong "Cristy Ferminute."

Wish ni Cristy, sana rin daw ay mapatawad ni Willie sina Ogie at gab dahil pare-pareho lamang daw ang hulma ng kanilang puso.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Anyway, ibinahagi ni Ben sa opisyal na Facebook page ng Bitag ang litrato nila ng kaibigang si Willie.

"KAWAWANG SI WILLIE!," ani Ben.

"Mga putres 'tong mga taong nagbubunyi at nasisiyahan sa pinagdadaanang hamon ng isang indibidwal - kilala o simpleng tao man."

"Nakakarelate ba kayo? Kayong mahihilig sa chismis at kabahagi ng buhay ay chismis sa buhay ng may buhay? Nagkita kami ng kaibigan kong si Willie Revillame kahapon - chance encounter lang."

Ibinahagi rin ni Tulfo ang kaniyang pagtatanggol kay Willie na mapapanood sa February 10 episode ng Bitag Live.

"Humingi na nga ng dispensa, pinagtutulungan n'yo pa rin!" ani Tulfo sa caption.

"‘Pag ang tao nagpakumbaba at humingi ng kapatawaran sa kaniyang pagkakamali, ‘wag na natin palawakin pa. ‘Wag na hamunin ng giyera baka kasi may pumasok na totoong mandirigma na kaibigan ni Willie. Ito’y paalaala lang naman, mamili na lang kayo!," dagdag pa ng journalist.