Tila handang patunayan ni Pinay beauty queen Mary Jean Lastimosa ang kaniya pa ring sexy figure, mahigit walong taon matapos ang kaniyang iconic Miss Universe journey noong 2014.

Ito’y matapos iflex ni MJ sa magkakasunod na social media post ang kaniyang larawan suot ang dalawang set ng two-piece swimsuit noong Biyernes, Pebrero 10 at nitong Sabado, Pebrero 11.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tanging wow at heart reactions ang mapapansing pagdumog ng kaniyang followers sa pasabog na revelation. Aniya, talaga nga namang kabogera at pageant-ready pa rin si MJ kahit ilan taon nang alumna ng pageantry.

Tila na-inspire namang iflex si MJ ang estado ng kaniyang fitness journey matapos balikan ng isang pageant fan ang dating mga larawan ng beauty queen nang sumabak sa Binibining Pilipinas at Miss Universe 2014.

Basahin: MJ Lastimosa sa netizen na tumawag sa kaniyang ‘retokada’: ‘Yes, I can afford’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa mga nagdaang Miss Universe editions, ang Pinay beauty queen, bagaman hindi nasungkit ang korona at umabot sa Top 10, ay naging tradisyunal na icon na ng Pinoy pageantry.

Kadalasang susulpot ang mga suot ni MJ sa 2014 edition ng pageant tuwing sasapit ang Miss Universe season, partikular na ang kaniyang naging long gown at national costume.