Umani ng iba't ibang reaksiyon ang isang TikTok video kung saan ang isang photographer ay makikitang tila nadismaya matapos maharangan ng isang bisita ang pinakahihintay ng lahat na bridal entry.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Makikita sa video na sinusubukan ng photographer na gawin ang kaniyang makakaya na makuha ng pinakamagandang shot sa pagpasok ng ikakasal.

Ngunit sa kasamaang palad, hindi umano sinasadyang naharangan ng isa sa mga bisitang sinusubukan ding kumuha ng video habang naglalakad ang bridal aisle.

Napakamot sa ulo sa galit ang photographer at nagpahayag ng kaniyang panghihinayang dahil sa insidente.

Narito naman ang ilang komento ng netizens:

"Kung ako ang bride baka maaga aga kong naihampas ang boquet."

"Aminin nyo...may isa talaga tayong kamag anak na pang inis talaga sa mga special events."

"Kung ako siguro yung si ate na naglakad, di na ako aattend ng kainan. ahahahha"

"I’m sorry but I would’ve told her to get out of my wedding hell naw."

"The fact its only one take"

"Blood pressure 2000/1500"

"May something talaga sa mga matatanda na hindi nila kayang kontrolin"

"Dapat may railings Yung isle, mga 10feet"

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!