Kumpiyansang sinagot ng Comedy Queen na si AiAi Delas Alas ang isyu tungkol sa pagdedeklara sa kaniyang bilang "persona non grata" sa Quezon City noong Hunyo 2022.

Sa kaniyang guesting sa "Fast Talk with Boy Abunda," na umere nitong Biyernes, Pebrero 10, masaya at kumpiyansang sumagot si AiAi tungkol sa naturang isyu.

“Bilang 'persona non grata,' una sa lahat hindi ko talaga alam ang meaning nun. Nalaman ko na lang noong, 'ah, dineclare pala akis,'” kuwelang sagot ni AiAi.

Paglilinaw ni AiAi, ginawa lamang niya parody campaign video, noong kasagsagan ng kampanya, bilang isang artista.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Sa totoo lang, hindi ko akalain na ganun pala yun kasi ginawa ko po yun bilang artista po. Sila naman ang gumawa ng script noon, si direk [Darryl Yap], sila tapos ako yung artista. So, sabi ko sa sarili ko, talagang yung iba doon pina-edit ko kasi ang alam ko baka ma-offend si Mayora [Joy Belmonte]," sey ng aktres.

Paliwanag pa niya, "Nagpa-edit ako kasi alam kong doon sa ibang sasabihin ko baka ma-offend si Mayora, so pina-edit ko siya.“

Matatandaang nag-ugat ang pagkakadeklara sa kaniyang persona non grata kasama si VinCentiment director Darryl Yap, dahil umano sa pambabastos at paglapastangan sa Quezon City triangular seal, sa lumabas na campaign material para kay mayoral candidate at Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor noong Hunyo 2022.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/06/08/ai-ai-delas-alas-darryl-yap-tinuluyan-nang-maging-persona-non-grata-sa-qc/

Humingi naman ng dispensa ang Comedy Queen kay Belmonte.

"But since ayon na nga parang na-offend siya, 'pasensya na Mayora na ako pala ay nakasakit sa iyo pero artista lang ako kumbaga kaya ginawa ko yun kasi inutos lang sa akin'," sey ng aktres.

Nagulat na lamang daw siya na biglang nagkabati na si Yap at Belmonte.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/07/26/darryl-yap-nag-courtesy-call-kay-qc-mayor-joy-belmonte/

“Tapos biglang bati na sila ni Direk, tapos kami di kami bati. Para akong naiwan sa ere, 'Bakit kayo bati? Baby D, huwag mong bati si Mayora' tapos bati na sila.Ako yung hindi nila kabati, bakit ganoon?'” natatawang sabi pa ni AiAi.

Kasunod nito may mensahe ulit ang aktres sa alkalde.

“Alam mo Mayora dapat hindi ka na nagtatampo sa akin kasi kapag nagtampo ka sa akin parang nagtampo ka sa sarili mo. Eh 'di ba magkamukha tayo," pagbibiro nito.

Gayunman, nilinaw ng aktres na hindi niya intensyon na makasakit ng damdamin.

"Ayoko naman po talagang nakakasakit. Hindi ko naman po alam na mahu-hurt siya doon."