Proud na ibinahagi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ginamit nila ulit para sa Valentine's display ang mga dekorasyon na ginamit nila noong kapaskuhan.

"QCitizens, alam niyo ba na ang mga Christmas decors na noo'y ginamit para sa ka-PasQCuhan, ay ginamit naman natin ngayon para sa Valentine's display sa QC Circle?" tweet ni Belmonte nitong Biyernes, Pebrero 10.

"Talagang punong-puno tayo ng pagmamahal ngayong buwan—pagmamahal sa kapwa, at pagmamahal sa kalikasan. #ZeroWaste," dagdag pa niya.

Hinikayat din niya ang QCitizens na ugaliin ang pagre-recycle.

Metro

Negosyante, pinagbabaril sa loob ng sasakyan, patay!

"Ugaliin po natin ang pagre-recycle upang makabawas sa waste ng ating komunidad, at makatulong sa ating kalikasan!"

https://twitter.com/QCMayorJoy/status/1623990098760196096