"Ako ang tunay na #WaisNaMister."

Labis ang tuwa ng bokalistang si Chito Miranda matapos siyang regaluhan ng kaniyang asawang si Neri ng bagong sasakyan.

Ibinahagi ito ni Chito sa kaniyang Facebook nitong Biyernes, Pebrero 10. Sey niya, pangarap daw niya talaga magakroon ng pick-up truck pero hindi siya bumibili dahil may mas mahalaga pang dapat unahin.

"Alam niya kasi na gusto ko talaga magkaroon ng pick-up truck pero di ako bumibili kasi gusto ko unahin yung income generating investments," aniya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Kumbaga, oks lang ako magtiis sa lumang sasakyan at gamitin yung pera ko on things that will make me more money, instead of buying myself a new car. Delayed gratification," dagdag pa ng mister ni Neri.

"Since alam niya [Neri] na hindi ako bibili ng sasakyan para sa sarili ko, kahit gaano ko pa kagusto magkapick-up, ang ginawa niya, siya nalang ang bumili for me," sey pa ni Chito.

"Ako ang tunay na #WaisNaMister."

Kamakailan ay nagdiwang si Chito ng kaniyang kaarawan. Binati siya ni Neri sa isang Instagram post.

“Happy birthday sa best husband para sa akin! Thank you sa support mo palagi sa akin. Because of you, napapagaan ang trabaho ko. Because of you, mas masarap mangarap. At dahil sa’yo, natutupad dahan dahan ang lahat ng mga yun na magkasama tayo. Thank you, Dad!” aniya kay Chito.

“Ikaw ang the best dad para sa mga bata. Kahit pagod ka sa gigs mo, nakikipaglaro ka pa rin sa mga bata. Kami ang priority po.Happppy birthday, Dad! We love you so much!” dagdag pa niya.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/02/08/neri-sa-birthday-ni-chito-miranda-because-of-you-mas-masarap-mangarap/