Inaasahang lalakas ang ekonomiya ng Pilipinas kasunod na rin ng pagpirma ng gobyerno at ng Japan sa 35 letters of intent/agreement sa Tokyo, nitong Biyernes, ayon saMalacañang.

Kaagad na nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pamahalaan ng Japan at sa mga business leader sa kanilang kumpiyansa na magnegosyo sa Pilipinas.

Kabilang sa mga industriya na kasama sa kasunduan ay ang manufacturing, imprastraktura, enerhiya, transportasyon, healthcare, renewable energy, pagpapalawak ng negosyo, at iba pa.

Dahil sa kasunduan, inaasahang magkaroon ng mahigit sa 10,000 trabaho ang mga Pinoy sa bansa.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail