Tila pinasasaringan ni Manay Lolit Solis ang mga taong nanunumbat umano matapos tumulong. 

 

Sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Pebrero 10, sinabihan niyang "pathetic" ang mga taong nanunumbat matapos tumulong sa kapwa.

"Pathetic talaga iyon mga tao na nagbibigay pagkatapos manunumbat, Salve. Nakakaawa na wala siyang magawa kundi sumbatan ka sa ibinigay niya sa iyo. Bird brain talaga ang mga taong gumagawa nito. Kaya umiiwas ako sa ganitong klase ng tao," saad ni Manay.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Nakakatawa na hindi pala niya nalilimutan ang mga bagay na ibinigay niya, meaning hindi taos sa loob niya ang pagbibigay. Kasi usually pag binigay mo na, dapat kalimutan mo na dahil tiyak na binigay mo iyon bilang bayad sa isang favor, or binigay mo dahil gusto mo iyon tao na binigyan mo," pasaring pa niya.

"Dapat taos puso ang pagbibigay hindi isinusumbat. So sad na ganito ang ugali ng isang tao na nagbigay, patunay na hindi galing sa puso ang pagbibigay niya. Publicity lang ang habol niya pag nagbibigay siya. Pathetic talaga. Hindi bongga Salve at Gorgy," dagdag pa niya.

Sino kaya ang pinatatamaan ni Lolit dito? 

Kamakailan sa mundo ng showbiz, isang palabang Willie Revillame ang napanood ng kaniyang mga tagasubaybay sa February 7 episode ng kaniyang programang “Wowowin” sa ALLTV, kung saan isa-isa niyang binanatan ang ilang showbiz personalities na umano’y nagsasalita laban sa kaniya kaugnay ng naging panawagan niya sa publiko na i-set aside ang politika patungkol sa isyung kinahaharap ngayon ng network.

Hindi pinangalanan ni Willie sa ngayon kung sino-sino ang mga naturang showbiz personalities na bumibira sa kaniya ngayon subalit batay sa mga pahayag ni Willie, ang mga personalidad na ito ay may “utang na loob” sa kaniya.

Minsan sa buhay nila ay humingi raw ng pabor ang mga ito sa kaniya noon, kaya nagtataka siya kung bakit binabanatan siya ngayon sa pamamagitan ng social media posts o vlogs.

https://balita.net.ph/2023/02/08/willie-nagsiklab-may-kontra-banat-sa-ilang-showbiz-personalities-na-may-utang-na-loob-sa-kaniya/">BASAHIN: Willie, nagsiklab; may kontra-banat sa ilang showbiz personalities na may ‘utang na loob’ sa kaniya

https://balita.net.ph/2023/02/08/cristy-inispluk-ang-dahilan-kung-bakit-binigyan-ng-condo-unit-kotse-ni-willie/">KAUGNAY NA BALITA: Cristy, inispluk ang dahilan kung bakit binigyan ng condo unit, kotse ni Willie