Umani ng kuwelang reaksiyon mula sa netizens ang kakaibang promo sa isang Korean restaurant sa Quezon City ngayong buong buwan ng Feb-ibig.

Ang hamon nila, kumain sa kanilang patok na samgyupsal dine-in ang sinumang may jowang hindi isa, ngunit lima!

Ito nga ang pakulo ng “Samgy Side” sa Tandang Sora, Quezon City na epektibo buong buwan ng Pebrero, ayon sa kaniyang anunsyo sa Facebook noong Pebrero 3.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tanging requirement lang para maka-avail sa promo ang patunay sa limang dyowa kalakip ang valid ID ng bawat isa sa kanila.

Instant good vibes at kuwelang mga reaksyon ang inani ng matalinong online hirit dahilan para umabot na ang naturang anunsyo sa Facebook sa mahigit 5,700 reactions at 13,000 shares.

Kaniya-kaniyang tag naman ang netizens sa ilang kaibigan na anila’y perfect para sa samgyupsal promo.

Bagaman tila animo'y prank lang, sa panayam ng Balita sa panig ng Samgy Side, kinumpirma nitong lehitimo ang promo at bahagi rin ito ng kanilang online pakulo.

"Yes po the promo was true and also part of promotion," anang pamunuan ng resto.

Samantala, sa pag-uulat, wala pang kumasa sa kanilang promo bagaman ikinasisiya anila ang natatanggap na "hype" online.

"We checked comments and [are] super happy with the hype pero until now we are still waiting if may maglalakas loob po na mag-avail ng promo," anang Samgy Side.