Ipinakilala ng Guinness World Records (GWR) nitong Huwebes, Pebrero 9, ang newfypoo dog na si Coco bilang bagong naitalang aso na may pinakamahabang pilikmata sa buong mundo na may habang 17.8 cm (7 in).

Ayon sa GWR, ang huling record holder na nalampasan ni Coco ay ang isang Australian labradoodle Ranmura mula Japan noong 2014, kung saan ang pilikmata nito ay may habang 17 cm (6.69 in).

Kahit na napakahaba ng pilikmata ni Coco, sinabi naman ng veterinarian na safe naman daw ito at hindi naaapektuhan ang kaniyang paningin.

Nakatira ang cute na si Coco sa California kasama ang fur sister na si Juno at kanilang fur parents na sina Rachelle Parks at asawa nitong si Michael Babich.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ni-rescue ng mag-asawa sina Coco sa isang rescue group sa Toledo, Ohio.

Ayon kay Parks, inilalarawan niya si Coco bilang ‘sweetest dog you’d ever want to meet’ dahil mahal daw niya ang lahat ng nakakasalamuhang aso, tao, at maging mga kuneho.

“When we go out she gets a lot of attention, not just because of her lashes but also her size - she's a big girl,” ani Parks.

Nasubaybayan daw ni Parks ang paghaba ng pilikmata ni Coco, kaya naman nang masukat ito noong nakaraang taon at malamang mas mahaba na ang pilikmata nito sa dating GWR record holder, nagpasa na siya ng aplikasyon para sa kaniyang mahal na alaga.

Si Coco na ang pang-walong nakakuha ng titulo bilang asong may pinamahabang pilikmata sa buong mundo matapos maitala ang unang record holder noong taong 2000.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!