Kahit hindi kasama sa cast ay all-out ang suporta ni Megastar Sharon Cuneta sa advance screening ng bagong teleserye ni Coco Martin na "FPJ's Batang Quiapo" na mapapanood na sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV-5.

Pinagkaguluhan ng mga tao ang Megastar nang magpunta ito sa Trinoma Mall sa Quezon City kung saan ginanap ang advance screening ng serye.

Hindi kasama si Mega sa cast, na nauna nang nakasama sa nagtapos na "FPJ's Ang Probinsyano." Matatandaang humirit si Mega kay Coco na baka naman puwede ulit siyang isama sa naturang serye.

Bukod kay Mega, imbitado rin dito ang iba pang naging cast member ng FPJ's Ang Probinsyano kaya masayang-masaya si Shawie na muli silang masilayan. Nabuo kasi ang bonding nila sa lock-in taping.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Mababasa sa Instagram post ni Mega ang tungkol sa naganap na mini reunion ng mga dating kasamahan.

"Mga taga-FPJAP nag-reunion kahapon sa Special Screening ng #fpjsbatangquiapo FPJ’s BATANG QUIAPO, ang bagong serye ng nag-iisang Primetime King na si @cocomartin_ph !!! Sobra ang saya kong makita uli sina Coco, Angel @imangelaquino, Osang @therealrosannaroces, Ara @therealaramina, Jay @jay_gonzaga, Michael @mdemesa24, @johnarcilla, Jaime Fabregas @jaimefabre, at iba pang FPJAP Aguila, pati na rin ang mahal kong Direk na si @malusevilla!!!"

Muntik na raw maiyak ang Megastar dahil sa naganap na reunion.

"Gusto ko maiyak sa sobrang saya ko kahapon. Abangan nyo po sana at subaybayan ang FPJ’s BATANG QUIAPO simula po sa Monday! NAPAKAGANDAAAAAAAA!!! Ang galing ni Coco at ng lahat ng kasama pa niyang mga artista pati ang storya!!! Congrats sa lahat ng bumubuo ng #fpjsbatangquiapo !!! I love you my Coco!!!"

May mensahe naman siya sa bago niyang anak-anakan na si Julia Montes.

"@montesjulia08 Baby sana pumunta ka din pati yung ibang kapamilya natin. But see you sooooooon my baby! I love you!"

Nag-promote din si Shawie sa kaniyang Instagram post.

Mapapanood na ang FPJ's Batang Quiapo sa Lunes, Pebrero 13.