Nabagbag ang damdamin ni Megastar Sharon Cuneta sa isang babaeng street dweller na naispatang kasama ang mga aso, na mahihinuhang natutulog sa bangketa o lansangan.

Sa kaniyang Instagram post, nagpatulong si Mega na mahanap ang naturang ale upang mabigyan ng tulong.

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

"Please po tulungan n'yo kaming mahanap ang napakabuting ale na ito!!! Thank you so much! Please share! God bless her - God bless us all!"

Batay sa litrato, tila pitong aso ang kapiling ng ale sa saping inilatag niya bangketa, sa harapan ng isang establisyimiento. May asul na payong sa bandang harapan nila.

Sa comment section ay mababasa ang ilang mga netizen na nagbigay ng testimonya kung gaano kabuti ang babae sa kaniyang mga alagang aso.

"Lagi s'ya sa kanto namin. Inabutan ko nga minsan 'yan kasi mabait s'ya sa mga alaga niya."

"Wow, what a good person. Please update us so we can also help. Thanks idol."

Isang netizen naman ang nagsabi, "This picture was posted by Mr. Susanta Nanda IFS (Indian Forest Service) on his Twitter account@susantananda3 on Nov. 20. 2022, with a caption, 'Our heart has to be large enough to accommodate this big world.' It has gone viral since then."

May mga nagsabi namang baka hindi raw sa Pilipinas ito kundi sa bansang India.

Wala pang update ang Megastar kung naging matagumpay ba ang pagpapahanap niya sa naturang ale.