Inamin ng Kapuso young actor na si Joaquin Domagoso na nakaramdam siya ng takot at pressure sa pagiging ama. 

Sa kaniyang panayam sa "Fast Talk with Boy Abunda," na umere nitong Miyerkules, Pebrero 8, sinabi niya na nakaramdam siya ng pressure at takot bago manganak ang partner niyang si Raffa Castro.

"Una po hindi ko po siya nafi-feel as in sa akin lang natutuwa lang po talaga. In my mind I was so happy I'm gonna be a dad pero yung pressure as in nandoon na talaga, I only realized like eight or nine months. Grabe the responsibility is different yung talagang iiyak na ako," ani Joaquin.

Nang tanungin kung natakot ba siya, "Natakot po ako kasi who am I? Like I'm so young and anong mabibigay ko sa anak ko at this age and anong mangyayari sa career..."

Dagdag pa ng 21-anyos na aktor, tuwang-tuwa raw ang kaniyang ama na si dating Mayor Isko Moreno Domagoso nang malamang magkaka-apo na siya, kaya naman nawala raw ang stress niya dahil takot din daw siya malaman ito ng kaniyang mga magulang. 


Matatandaang isiniwalat mismo ni Isko na magiging ama na si Joaquin noong Hulyo 2022. 

Pagmamalaki pa ng dating alkalde, kamukha niya ang unang supling ni Joaquin at ni Raffa.

“Siyempre kikiligin ka lalo na kapag kamukha mo. I’m really enjoying it. I’m happy and grateful to God. Of course, I’m happy for Joaquin. Having a child, naturally, will create a certain mindset in terms of priorities,” saad ni Isko.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/07/26/joaquin-20-isa-nang-ganap-na-ama-pagkukumpirma-ni-isko-moreno/