Iniutos na ng Sandiganbayan na magpiyansa ang dating chief of staff ni dating Senator Juan Ponce Enrile kaugnay ng kinakaharap na kasong may kaugnayan sa pork barrel fund o Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Sa ruling ng 3rd Division ng anti-graft court nitong Huwebes, aabot sa ₱30,000 ang piyansa ni Atty. Gigi Reyes sa bawat bilang ng graft cases nito. Si Reyes ay nahaharap sa 15 kasong paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

“After a review of the records the court was surprised that accused Reyes has not yet submitted bail for these cases,” pahayag ni Associate Justice Bernelito Fernandez matapos kunin ang atensyon ng abogado ni Reyes pagkatapos ng pagdinig sa kasong plunder at graft na kinakaharap ng mga akusado na kinabibilangan ni Enrile.

Kaagad na binigyan ng korte ng 15 araw ang kampo ni Reyes upang maghain ng piyansa.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Matatandaang pinalaya sa piitan si Reyes nitong nakaraang buwan kasunod ng pag-apruba ng Korte Suprema sa kanyang petition for habeas corpus kaugnay sa halos siyam na taon na pagkakakulong sa kasong pandarambong.

Kabilang sa kondisyon ng hukuman, kailangang dumalo si Reyes sa mga pagdinig sa kaso nito sa Sandiganbayan.