Kinumpirma ni Department of Health (DOH) officer-in-charge (OIC) Maria Rosario Vergeire nitong Martes na may isang bansa pa ang nangakong magdo-donate ng 300,000 doses pa ngCovid-19bivalent vaccines sa Pilipinas.

Sa isang pulong balitaan, tumanggi na muna si Vergeire na tukuyin kung anong bansa ito habang isinasapinal pa ang kasunduan hinggil sa naturang donasyon.

Ang naturang bakuna ay bilang karagdagan lamang sa mahigit isang milyong bakuna na nakatakdang ipadala ng COVAX facility sa bansa sa katapusan ng Marso, 2023.

Una nang sinabi ng DOH na prayoridad nilang mabigyan ng naturang mga bakuna ang mga healthcare workers, senior citizens, at persons with comorbidities.

Breast Cancer Awareness Month, ginugunita; pambabae lang ba?

Ang bivalent vaccines ay mga second-generation vaccines na ang target ay Omicron variants ngCovid-19.