Extra sweet ang 'Wais na Misis' na si Neri Miranda sa kaarawan ng kaniyang mister na si Chito Miranda.

Sa kaniyang Instagram post nitong Martes, Pebrero 7, isang birthday message ang ibinahagi ni Neri.

"Happy birthday sa best husband para sa akin! Thank you sa support mo palagi sa akin. Because of you, napapagaan ang trabaho ko. Because of you, mas masarap mangarap. At dahil sa'yo, natutupad dahan dahan ang lahat ng mga yun na magkasama tayo. Thank you, Dad!" aniya kay Chito.

"Ikaw ang the best dad para sa mga bata. Kahit pagod ka sa gigs mo, nakikipaglaro ka pa rin sa mga bata. Kami ang priority po. Happppy birthday, Dad! We love you so much!" dagdag pa niya. 

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Samantala, nagpaabot din ng pagbati ang ilan sa mga kilalang personalidad at maging ang mga netizen.