Hindi pa rin natamaan ng mananaya ang mga jackpot prize para sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 sa evening draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules, Peb. 8.

Ang winning combination para sa Grand Lotto ay 32 – 19 – 43 – 27 – 29 – 45 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P34,820,906. Apat na bettors ang nanalo sa ikalawang premyo na nagkakahalaga ng P100,000 habang 482 na manlalaro ang nakakuha ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P1,500.

Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado, alas-9 ng gabi.

Samantala, ang lucky digits para sa Mega lotto ay 09 – 20 – 34 – 18 – 16 – 45 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P13,332,936.40.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Sinabi ng PCSO na 31 taya ang tumama sa ikalawang gantimpala na nagkakahalaga ng P32,000 at 1,199 na manlalaro ang nanalo sa ikatlong gantimpala na nagkakahalaga ng P32,000.

Ang Mega Lotto ay binobola naman tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na ika-9 ng gabi.

Luisa Kabato