Nagsalita na ang showbiz insider na si Cristy Fermin hinggil sa naging palabang mga pahayag ni Wowowin host Willie Revillame, patungkol sa ilang showbiz personalities na bumibira raw sa kaniya gayong may utang na loob ito sa kaniya.

Pumalag si Cristy tungkol sa isang blind item ni Willie na binigyan niya ng isang condo unit sa Wil Tower at kotse noon, subalit ngayon ay tinawag siyang "mayabang."

Agad daw na tinext ni Cristy ang anak-anakang si Willie nang mapanood ang video nito.

"Kaninang umaga ay tinext ko po si Willie Revillame, ang sabi ko, 'Sana lang pinanood mo ng buo ang mga sinabi ko sa CFM tungkol sa 'yo. Yung terminong mayabang, sinabi ko yun, pero iba pala ang interpretasyon mo. Kahapon, ipinagtanggol pa naman kita tungkol sa ABS-CBN. Bago ka magsalita, mag-isip ka muna, pero kung gusto mo ng giyera sa kabila ng pagmamalasakit ko sayo, nakahanda ako!!!' Tatlong exclamation marks po iyon at all caps po yung 'nakahanda ako'. Dahil po dito ay tumawag siya," kuwento ni Cristy sa February 8 episode ng "Cristy Ferminute."

Willie, nagsiklab; may kontra-banat sa ilang showbiz personalities na may 'utang na loob' sa kaniya

"Unang sagot ko pa lang, hindi ko alam kung papaano ko ilalarawan ang mga salita ko. Lahat siguro ng mga binitiwan kong salita kaninang umaga patungkol sa kaniya, bilang sagot, yung mga bagay na ayaw niyang marinig, na sa unang pagkakataon ay pinatikim at pinalasa ko sa kaniya. Unang-una po mga kapatid, pinakaayoko po yun nanunumbat," aniya.

Sey ni Cristy, kung tutulong daw ang isang tao at manunumbat naman pala, huwag na lang daw tumulong.

Ayon pa kay Cristy, hindi raw napanood nang buo ni Willie ang naging episode ng CFM kung saan lumabas ang salitang "mayabang." Malamang daw ay nasulsulan ang TV host ng mga taong natatakot na magutom kapag nawala siya.

Sa kabila daw ng lahat ay mahal pa rin ni Cristy si Willie bilang anak-anakan. Hihintayin daw niya ang paghingi nito ng tawad sa Wowowin.

"Mahal kita bilang anak-anakan, hindi ko na kailangan sabihin na mahal pa rin kita at ang sabi mong huli, 'Mamaya sa Wowowin, magsasalita ako. Hihingi ako ng tawad sa'yo.' Aabangan ko 'yan, Willie Revillame," aniya.

Ipinaliwanag din ni Cristy ang kaniyang panig tungkol sa sinasabing condo unit at kotseng ibinigay sa kaniya ni Willie.