Binarda ng mga netizen ang "Family Feud" contestant na si Lai Austria matapos ang inintrigang caption niya sa Facebook post kasama ang TV host nitong si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

May pabirong caption kasi itong "Wait n'yo scandal namin" bagay na hindi nagustuhan ng mga netizen, lalo na ang mga tagahanga ng "DongYan."

Lai Austria at Dingdong Dantes (Screengrab mula sa FB ni Lai Austria)

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Pamilyadong tao na raw si Dingdong kaya "inappropriate" daw ang caption ni Lai, lalo na't baka mabasa pa ito ng mga anak nila sa hinaharap.

Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din naman kay Lai at sinabing "funny post" lamang ito.

Dahil dito ay nag-trend ang pangalan ng misis ni Dingdong na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, at pabiro pang sinabi ng netizens na mukhang may "makukulong sa banyo" kung hindi papalitan ang caption.

Ang birong ito ay mula sa isang kumakalat na tsika noon patungkol kay Marian kung saan isang aktres ang ikinulong umano niya sa banyo dahil sa selos.

Sa latest Facebook post ni Lai ay agad naman siyang nakinig sa netizens at inayos na ang kaniyang caption.

“Abangan n'yo love team namin mamayang 5:30pm sa Family Feud Philippines," aniya.

Pabiro pa niyang dagdag, "”Isang sc*nd@l lang kasi ang alam n'yo."

Nagbiro pa si Lai kay Marian.

"Nananawagan ako kay Ate Marian Rivera ngayon araw lang," aniya.

"Wag ka mag-alala Ate Marian Rivera ikaw thanks GOD ako thanks DOC at least parehas my O at D."

Sa isa pang latest Facebook post naman ni Lai, makikita ang kaniyang sexy photo habang kumakain ng junk food na kapangalan ng TV host-drama actor.

"Ang sarap mo," saad niya sa caption.

Si Lai Austria ay isang model, content creator, at negosyante.