Sumalang sa "Fast Talk with Boy Abunda" ang sikat na tambalang "FiLay" na sina Barbie Forteza at David Licauco, na nabuo dahil sa hit fantasy-historical drama serye na "Maria Clara at Ibarra" na reimagined ng mga dakilang nobela ni Dr. Jose Rizal---ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Game na game na sinagot ni Barbie ang "fast talk" ni Tito Boy. Natawa naman ang mga manonood nang tila iba ang naging dinig niya sa tanong ng TV host kung "Titig ni Jak o Titig ni David?"

"I'm sorry what?" tanong ni Barbie.

Inulit naman ni Tito Boy ang tanong.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"I think we shouldn't compare," classy way na sagot ni Barbie.

Sa tanong naman na "Halik ni Jak, Halik ni David?"

"I haven't kissed David," ani Barbie.

At kung magiging lalaki naman daw siya, gusto niyang maging kamukha ni Kapuso star Dennis Trillo na siyang gumaganap na Crisostomo Ibarra/Simoun sa naturang serye.

Pagkatapos ng fast talk portion ay pumasok na si David Licauco na halatang-halatang tensyonado.

Bago mag-commercial break ay nag-iwan muna ng mga tanong si Tito Boy para sa kanila gaya ng kung single sila pareho, liligawan ba ni David si Barbie, o kung wala si Jak (Roberto) sa buhay ni Barbie, sasagutin ba niya si David?

Natanong din si Barbie kung na-distract ba ito sa isang eksena ng MCAI kung saan buong eksenang topless si David. Sagot ni Barbie, hindi naman daw dahil mabigat ang eksenang kailangan nilang iraos.

Nagpasalamat naman ang dalawa sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang programa, gayundin sa kanilang hindi inaasahang loveteam.

Hindi raw nila inakalang mamahalin ng mga manonood ang "FiLay."

Sa tanong na kung halimbawa ay single si Barbie, liligawan nga ba ito ni David? Hindi man direktang sinagot sa una, "Yes" pa rin ang sinabi ng aktor.

Si Barbie naman, kung sakali raw na walang Jak sa buhay niya, puwede niyang sagutin si David kung sakaling manligaw ito sa kaniya, kung makikilala niya pa ito nang lubusan.

Kapansin-pansin naman ang pagka-awkward ni David sa mga personal na tanong ni Tito Boy, lalo na sa usaping lovelife.

Nagbigay naman ng mensahe sina Barbie at David para sa isa't isa.

Hangad ni David kay Barbie na ipagpatuloy nito ang pag-abot sa mga pangarap.

Si Barbie naman, proud na proud kay David dahil kahit sikat na sikat ito ngayon, nananatili pa rin itong humble at hindi pa rin nagbabago.