Sumasang-ayon umano si Senador Robinhood "Robin" Padilla sa panukalang-batas na bigyan ng dagdag-benepisyo ang mga magiging former president ng bansa, at antimanong gawing presidential adviser ng sinumang mahahalal na pangulo ng bansa.

“I fully support the proposal to give additional benefits to former Presidents, especially since their sacrifice for the nation continues. I am sure they have much to contribute to our nation, even after their terms end,” ani Padilla.

“If I may add to the proposed measures, I propose that former Presidents be automatically made presidential advisers, and it will be up to the sitting President to decide which area they can contribute,” dagdag pa niya.

Si dating Pangulong Rodrigo Duterte daw ay maaaring gawing tagapayo ng pangulo sa pagpapatupad ng batas o sa relasyon sa ibang bansa, aniya.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Matatandaang ang naghain ng panukalang-batas na bigyan ng dagdag na benepisyo ang mga naging pangulo ng bansa ay galing sa Senado. Ito ay sina Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Mark Villar, Ronaldo “Bato” dela Rosa, at Francis Tolentino. Ito ay ang Senate Bill 1784, o ang panukalang Former Presidents Benefits Act of 2023.

Marami sa mga dating pangulo ay yumao na. Ang mga nananatiling nariyan pa ay sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Joseph "Erap" Estrada, at Rodrigo Duterte.