Sa pagkakatalaga kay Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian bilang bagong Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nagpasya ang liderato ng Kamara na hirangin si Quezon Province 1st District Rep. Wilfrido Mark Enverga bilang caretaker ng distrito na iniwan ni Gatchalian.

Si Enverga ay isa ring chairman ng House Committee on Agriculture and Food.

Sa mosyon ni Majority Leader Manuel Jose Dalipe noong Lunes, Pebrero 6, hinirang ng Mababang Kapulungan si Enverga bilang substitute o kapalit ni Gatchalian sa kaniyang distrito.

Pangangasiwaan ng kongresista ng Quezon ang mga tungkulin at aktibidad ni Gatchalian sa Valenzuela City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaanginalis sa puwesto si dating DSWD Sec. Erwin Tulfo bunsod ng mga isyu sa kaniyang nationality at libel conviction noong 2000, na pinagtibay ng Korte Suprema noong 2008.