Usap-usapan ngayon ang mga litratong ibinahagi ng aktres na si Jessy Mendiola na kuha matapos niyang isilang ang panganay na anak nila ng mister na si Luis Manzano, na si Isabelle Rose Manzano o "Baby Peanut."

Sa kaniyang Facebook post, kalakip ng mga litrato ang link para sa kaniyang birth vlog. Napansin naman ng mga netizen na kahit kapapanganak lamang ay litaw na litaw pa rin ang ganda at alindog ni Jessy. Sa katunayan, "putok na putok ang kaniyang cheeks" dahil nagawa pa niyang magpaayos bago ang photo op kasama ang pamilya.

"She was so tiny," ani Jessy.

"Siyempre full pak lashes ko (thank you NÉW Lounge ) at nagkulot pa'ko ng buhok bago manganak," buking ni Jessy.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Nanganak ba 'to?"

"Parang gusto ko tuloy magbuntis."

"Grabii naman ang pretty.. ako nung nanganak mukhang nabinat agad."

"Napakaganda nanganak. Ako nung nanganak 7mos ago. Parang sinaniban ng sampung espiritu."

"Sana all Dyosa look after giving birth."

"Ang gandang nanganak!"

"Wala na ako masabi kundi isang malaking SANA ALL GANITO KAGANDA PAGKATAPOS MANGANAK."