Tila hindi napigilan ni Manay Lolit Solis na magkomento sa naging panayam ng Kapuso comedy star na si Pokwang sa “Fast Talk with Boy Abunda" nang mapag-usapan ang tungkol sa hiwalayan nila ni Lee O’Brian.

"Salve alam mo ba na ang pangit pag ang dalawang tao na nagkasama at meron pang naging anak nagsasalita against each other? Iyan ngayon ang nangyayari between Pokwang at ang father ng anak niya," saad ni Lolit sa kaniyang Instagram post noong Pebrero 5.

"Natawa ako sa tanong ni Boy Abunda na bakit last week magaganda ang sinasabi niya, at ngayon nag iba na ang tono. Bakit ba hindi maari na walang dirty linens na ilabas pag naghiwalay ? Bakit ba hindi puwede mag move on na walang masakit na salita," dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Lolit na sayang daw ang naging samahan kung matatapos lamang ito nang hindi maganda. Pangit aniya pakinggan kapag may sinasabing masama ang isa sa naging nakarelasyon.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Sayang kasi ang pinag samahan na matatapos lang at biglang magiging ugly war with words na hindi naman dapat mangyari. Ang pangit pakinggan pag may masamang sinasabi ang isa sa naging magkarelasyon," anang talent manager.

"Pag hiwalay, ok, go. Wala ng dapat pang sabihin. Wala ng dapat comment. Puwede naman iyon di ba ? Kaya ang pangit pag nababasa mo o napapanuod na may sinabi ang isa against sa dati niyang relasyon.

"Dahil dapat lang lagi mo maalala ang good times nyo together. Iyon bad times, burahin na lang, para hindi mabigat sa balikat. Ganda pa naman ng naging anak nila ni Pokwang, iyon na lang ang dapat maging alaala. Di ba dapat ganuon Salve at Gorgy ? Bongga di ba," lahad pa ni Manay.

Noong Biyernes, Pebrero 3, binasag na ni Pokwang ang katahimikan hinggil sa paghihiwalay nila ng kaniyang partner na si Lee O'Brian.

Diretsahang tanong ni Tito Boy, bakit daw nagsinungaling si Pokie nang unang mauntag kung bakit sila naghiwalay noong 2022?

Sagot ni Pokwang, kinailangan niyang gawin iyon upang pagtakpan pa rin ang ex-partner na ama ng kaniyang anak na si Malia. Dito ay isinalaysay na nga ng komedyante ang puno’t dulo ng kanilang hindi pagkakaunawaan: ang negosyo nilang gourmet food na “PokLee.”

Nabunyag na rin ni Pokwang na matagal na pala silang hindi halos nagkikibuan ng ex-partner. Bago pa man daw ang komprontasyon dahil sa negosyo, inamin ni Pokwang na hindi na sila nag-uusap ni Lee. Parang pakiramdam daw niya ay nawala na ang respeto sa kanilang relasyon. Dumating pa raw sa puntong hindi sila nagkikibuan kapag nagkakasalubong sa hagdanan sa loob ng kanilang tahanan.

BASAHIN ANG BUONG ULAT:https://balita.net.ph/2023/02/04/pokwang-nagsalita-na-hinggil-sa-hiwalayan-nila-ni-lee-obrian-pakiramdam-ko-di-niya-ako-minahal/